Sa kasagsagan ng aming munting pagpanday sa kandidatura ni Fernando Poe Jr sa FPJ Movement noong huling bahagi ng taong 2003 hindi ko malilimutan ilang ala-ala na magpahanggang ngayon sumasagi sa isipan. Halimbawa, bumiyahe sa Lucena City upang pulungin ng grupo ang dati Gobernador ng lalawigan ng Quezon si Willie Enverga bilang paghahanda sa pagbisista ni Ginang Susan Roces doon. Pag-uwi ko at lumipas ang isang oras, humimpil muna sa isang gasolinahan para mag-kape. Habang katabi ang aking drayber, napansin namin ang ilang tao sa iba’t-ibang kanto na animo’y langgam na nakasipat ng pagkain, at dahan-dahang lumapit sa likod ng aking sasakyan. Nakapaskil kasi dito poster ng mukha ni “Da King” at “FPJ for President”. Inobserbahan ko reaksyon ng mga nakapalibot at kumakapal na miron. Hindi sila magkakilala, marahil, subali’t nag-uusap sa isa’t-isa. Nakatayo ng halos lampas 5-7 minuto sa likuran ng aking kotse habang nakatitig sa poster. Isip ko, “May telebisyon ba dyan? Gumagalaw ba ang poster ni FPJ at tutok ang lahat?”

Nagwakas lang ang tipon-tipon nang umalis ako pagkatapos sila bahagyang maka-usap. Noong namayapa si FPJ sa Sto Domingo Church, at dahil sa kanyang ugaling bukas-palad, “binisita” niya ang aking tahanan. Na-amoy ng aking drayber at mga katulong halimuyak ng bulaklak sa looban ng bahay at tsaka pumunta sala. Ang isang maid, napasigaw at tumakbo sa takot. Napasambit na lang ako ng “Alam ko, hindi ka nakapagpasalamat.

Malaking karangalan na ang iyong pabisista. Ok na”. Halos 30 minutos nanatili ang amoy rosas. Ilang taon din ang lumipas bago ko nakilala si Grace Poe. Pinasalamatan niya ang FPJ Movement na pawang mga nag-kusang loob/sariling gastos na bumubuntot sa kampanya para makatulong sa “Bagong Umaga” ng kanyang ama. Noong tumakbo si Grace bilang Senador, inanyayahan ko siya sa aking maliit na programa sa telebisyon (Republika 8:10 n.g. Destiny Cable Channel 8, Sky 213, G-Sat 1) para maisulong kanyang kandidatura. Hustisyang maituturing ang kawagian ni Grace Poe, dahil magpahanggang ngayon, tikom ang kasaysayan sa dapat ay totoong nananalo sa pagka-Pangulo ni FPJ sa 2004. Napapanahon sa nakasilid na puwang bago 2016, pag-isipan ni Grace ang tumakbong Bise Presidente. Tutulungan ko muli siya, at pagkatapos, ay maaring lumaho muli.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente