Nangangailangan ang pulisya sa sikat na beach destination na Boracay Island sa Malay, Aklan ng karagdagang pondo para sa logistics nito upang epektibong mapigilan ang krimen sa isla.

Inamin ni Senior Insp. Mark Evan Salvo, hepe ng Boracay Police, na kulang ang logistics ng pulisya laban sa kriminalidad sa isa sa pinakasikat na beach destination sa mundo.

Naghahanda ngayon ang Boracay Police para sa pagho-host ng mga pulong ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Abril 2015.

Ngunit bagamat kulang sa pondo, sinabi ni Salvo na handa ang pulisya sa isla na tiyakin ang seguridad ng mga delegado ng APEC.
National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists