CABADBARAN CITY, Agusan del Norte – Nagkakaisang ipinasa ng Sangguniang Panlalawigan (SP) sa Agusan del Norte ang isang resolusyon na nagbabawal sa paputok sa selebrasyon ng Pasko at Bagong Taon sa lungsod ng Cabadbaran at sa bayan ng Carmen.

Partikular na ipinagbabawal ng Resolutions 256-2014 at 257-2014 ang paggamit ng paputok sa mga 18-anyos pababa.

Sa bisa ng mga resolusyon, ipinagbabawal sa lahat ng tindahan at grocery mart ang pagbebenta ng paputok, partikular ang malalakas na gaya ng triangle, bawang, fountain, super lolo, judas belt at iba pa.

Ang mga lalabag ay pagmumultahin ng P500 hanggang P2,500, kakanselahin ang business permit o makukulong. (Mike U. Crismundo)
National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3