German Moreno

KAHIT tahasan nang tumanggi ang pamunuan ng GMA Network, hindi pa rin sumuko si German “Kuya Germs” Moreno sa matagal na niyang pangarap na maibalik sa ere ang kanyang That’s Entertainment.

Matandaan na sa Thats… ni Kuya Germs nagkapangalan at sumikat sina Sheryl Cruz, Tina Paner, Lotlot de Leon at maraming iba pa. Maging ang kagaya nina Lea Salonga, Piolo Pascual, Sunshine Cruz, Sharmaine Arnaiz ay sa programa ng Master Showman nagkaroon ng break.

Hindi maikakaila na napakalaki ng nagawa ng That’s… sa mga kilalang pulitiko ngayon na sina Manila Vice Mayor Isko Moreno at mga konsehal na sina Precious Hipolito ng Kyusi at Robert Ortega ng Manila.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sabi ni Kuya Germs, hanggang malakas pa siya at nasa mundo pa rin ng telebisyon ay hindi niya basta na lang isusuko ang hangarin niya na maibalik sa ere ang That’s Entertaiment.

“Hindi na kakailanganin ang isang reality show para lamang makatuklas tayo ng mga bagong talents. Kumbaga, kung paniwalaan lang sana nila ako at maibalik sa ere ang That’s..., eh, madali tayong makakahanap ng mga potential matinee idols,” sabi pa ni Kuya Germs.

Maraming bagong talents si Kuya Germs na regular na mapapanood sa programang Walang Tulugan With The Master Showman na nakikitaan namin ng potentials.

Naghihintay lang ng break ang mga ito na mukhang hindi naman importante o binabalewala lang ng Siyete, huh!