Isasailalim na sa arraignment proceedings sa Sandiganbayan ang asawa ni Vice-President Jejomar Binay na si dating Makati City Mayor Dra. Elenita Binay dahil sa kinakaharap na kasong graft kaugnay ng umano’y maanomalyang pagbili ng medical equipment ng Ospital ng Makati na aabot sa lagpas P8 milyon.

Idinahilan ni Third Division spokesman Atty. Dennis Pulma, naresolba na ng anti-graft court ang mosyon ni Binay at napagpasyahan ng mga mahistrado na ibasura ang mga ito.

Kabilang sa medical equipment na overpriced ay mga hospital bed, bedside cabinet, orthopedic bed, dry heat sterilizer sa halagang aabot sa P40 milyon.

Binili umano ang gamit ng pamahalaang lunsod ng Makati City noong 2000 nang si Dr. Binay ay mayor pa ng siyudad.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Itinakda ng korte ang arraignment sa Nobyembre 20, 2014.

Matatandaang noong nakaraang Mayo, nakapagpiyansa ng P70,000 si Binay kaugnay ng kinakaharap na graft at malversation case.