Naga City -- Apat na gintong medalya sa archery at isa sa athletics ang hinablot ng Team Pangasinan sa ikalawang araw ng kompetisyon upang pansamantalang kapitan ang liderato sa ginaganan na 2014 Batang Pinoy Luzon Qualifying leg sa makasaysayang Metro Naga Sports Complex.

Iniuwi nina Arriane Jaiden Magario (Cub Girls 30m), Angelica Aldea (Cadet Girls 30-m) at dalawa kay William Ty sa Cadet Boys 30-m at 50m ang mga ginto sa archery habang muling iniuwi ng 2-time national finals gold medalist na si Mariz Sabado ang ginto sa paborito nitong event na girls 2,000m walk upang itulak ang Pangasinan sa liderato.

“Target ko po na maipagtanggol ko ang gold medal ko,” sabi ng 15-anyos at 3rd year mula sa Umingan National High School na si Sabado na dalawang sunod na tinanghal na kampeon sa event noong 2012 Iloilo at 2013 Bacolod National Fiinals. “Gusto ko pong tulungan ang mga magulang ko na makapag-aral ako at makatapos,” sabi nito.

Hangad naman ng 15-anyos at 3rd year sa Tayug National High School na si Ty na makamit ang pinakamaraming gintong medalya sa paglahok sa torneo na nagsisibling paghahanda nito para sa nalalapit na paglahok nito sa regional elimination ng 2015 Palarong Pambansa.

Internasyonal

Mga Pinoy na ilegal na naninirahan sa Amerika, binalaan ng PH Ambassador

Ang ibang nagwagi sa archery ay sina Zibelle Balangue ng La Union (Cub Girls 20m), Clenard Hidalgo ng Baguio City (Cub Boys 20-m), Pacifico Aranas ng Pasay City (Cub Boys 30-m), Maria Alexea Apigo ng La Union (Cadet Girls 40-m) at si Jhoon Rhee Hongitan ng Baguio City (Cadet Boys 60m).

Nakamit naman ni James Galima ng Candon City ang kauna-unahang gintong medalyang nakataya sa athletics matapos magwagi sa photo finish na labanan sa 5,000m boys run. Itinala nito ang 17:30.8 segundo upang biguin si Larry Bernardino ng Urdaneta (17:30.0) at John Paul Relox ng Muntinlupa (18>06.8).

Nagwagi din ang anak ni dating national weightlifter Jaime Sebastian na si Jamil Joseph sa 46kg. ng weightlifting. Bumuhat ito ng kabuuang 45kg sa snatch at 57 sa clean and jerk para sa kabuuang 102kg.

Dalawang ginto rin ang iniuwi ni Marie Antoinette San Diego mula sa Dasmarinas Cavite matapos na magwagi sa Girls Blitz at Rapid Chess. Nagwagi naman sa Boys Blitz si Tristran Jared Cervero at si Romulo Curioso Jr. ng Cabanatuan sa Boys Rapid.

Samantala, apat na gintong medalya na ang naiuuwi ni Maurice Sacho Ilustre ng Muntinlupa matapos na magwagi sa 200m freestyle (1:59.68). upang idagdag sa nauna nitong napanalunan na Boys 13-15 under 1,500m free, 400m free at 200m butterfly.

Tatlong gintong medalya na rin ang naiuwi ni Kirsten Chloe Daos matapos na 800m 400m free, 100m at 200m free silver 200 butterfly.