ISANG bagong device ang naimbento ng mga French scientist na makatutulong sa pagtukoy kung ang isang tao ay positibo sa Ebola virus.

Katulad ng pregnancy test ang proseso ng nasabing imbensiyon na sa loob ng 15 minuto ay malalaman na ang resulta.

Kasalukuyang nasa preproduction phases ang nasabing test, at inaasahan nila na ang device ay “dramatically cut times” para sa mga medical team na nasa field.

Ang maliit na puting plastic kit ay maihahalintulad sa tradisyunal na pregnancy test.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“This test works like a traditional pregnancy test available in a pharmacy,” sabi ni Fabrice Gallais, researcher. “We place a sample, a drop of blood, serum, plasma or urine, which moves towards this band.” - Yahoo News Health