CAIRO (AFP)— Tatlong German at anim na Egyptian ang hinatulan ng limang taong pagkakakulong noong Martes sa pagnanakaw sa isang pharaonic artifact mula sa Great Pyramid, sinabi ng isang judicial source.
Hinatulan ng isang korte sa Giza, timog ng kabisera, in absentia ang tatlong German -- na nagsabing sila ay mga mananaliksik – sa pagnanakaw ng mga piyesa ng isang antigong scroll na may pangalan ni Pharaoh Khufu, at mga rock sample, ayon sa source.
Ang Great Pyramid – kilala rin bilang Pyramid of Cheops – ay ang pinakamalaki at pinakatanyag sa tatlong pyramid ng Giza. Dito matatagpuan ang libingan ni Pharaoh Khufu, at ang natatanging natitira sa pitong seven wonders of the ancient world.