Nasakote ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang dalawang pinaghihinalaang big time drug pusher sa isinagawang buy–bust operation sa Naga City kahapon.

Base sa report kay PDEA Director General Arturo G. Cacdac Jr., kinilala ang dalawang suspek na sina Salik Rebansa at Saldaming Napawo , kapwa residente ng Barangay Sta. Cruz, Naga City.

Nasamsam sa kanila ng mga awtoridad ang hinihinalang kilu-kilong shabu na nakalagay sa malalaking supot na agad na isinailalim sa laboratory test upang matukoy ang kalidad nito.

Nabatid na palihim na nagtutungo ang dalawa sa lugar at ginagawang palusot ang pagbisita sa isa nilang kamag-anak na naninirahan sa nasabing barangay.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Napag-alamang mula pa sa Marawi City ang dalawa na pinaniniwalaang supplier ng droga sa naturang lungsod.