KALIBO, Aklan - Isang 14-anyos na lalaki ang namatay matapos aksidenteng makuryente sa isang sari-sari store habang tinatangka umanong magnakaw sa Nabas, Aklan.

Ayon sa Nabas Police, umaga na nang nadiskubre ang bangkay ng binatilyo, residente ng Barangay Nagustan, Nabas, na nakahandusay sa isang sari-sari store sa katabing barangay.

Depensa naman ng lola ng biktima na tumangging magpakilala, posibleng inutusan lang ang biktima ng dalawang hindi nakikilalang lalaki kaya pinagtangkaan nitong nakawan ang tindahan sa Bgy. Toledo sa Nabas.

Patuloy namang inaalam ng awtoridad kung may foul play sa insidente.
Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod