Kinilala ng Embahada ng Pilipinas ang dalawang emergency response group na nakabase sa California, USA dahil sa pagliligtas sa 2,000 residente ng Leyte matapos ang pananalasa ng bagyong ‘Yolanda’ noong Nobyembre 8, 2013.

Sa magkahiwalay na seremonya, iniabot ni Philippine Ambassador kay United States Jose L. Cuisia, Jr. ang plaque of commendation sa Mammoth Medical Missions ng Mammoth Lakes at Team Rubicon ng Los Angeles na mga unang rumesponde sa Leyte.

“Many of our kababayans are alive today because of Mammoth Medical Missions and Team Rubicon,” sabi ni Cusia.

“The casualty list could have been higher had Mammoth Medical Missions and Team Rubicon not made it to the area on time. As a result, numerous lives in Tanauan and nearby areas were saved,” dagdag niya.

National

Ex-Pres. Duterte, ikakampanya si Quiboloy: 'Marami siyang alam sa buhay!'

Inilarawan ang bagyong Yolanda bilang pinakamalakas na tumama sa lupa sa kasaysayan na pumatay sa mahigit 6,000 tao, halos 30,000 ang nasugatan at higit apat na milyon ang nawalan ng tirahan nang manalasa ito sa Eastern Visayas. Aabot sa 12 milyong indibidwal ang apektado sa 44 na probinsiya.

Nabatid na nakatanggap ng mga tawag ang Embahada ng Pilipinas sa Washington D.C. mula sa Mammoth Medical Missions at Team Rubicon na humihiling ng permiso na mag-deploy o magpadala ng mga team sa Pilipinas.

Binubuo ang Mammoth Medical team ng 16 na doktor at nurse, sa pamumuno ni Dr. Michael Karch, na nakatakda noong magtungo sa isang mission sa Mexico nang magpasyang sa Pilipinas na lang pumunta. Habang ang Team Rubicon naman ay malaking bilang ng beteranong sundalo na noo’y nag-oorganisa ng team para sa pagresponde sa kalamidad.