KIDAPAWAN CITY – Dinakip ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) sa buy-bust operation sa Cotabato City ang isang barangay tanod at dalawang iba pa na hinihinalang nagbebenta ng ilegal na droga.

Kinilala ng awtoridad ang mga suspek na sina Hamid Saban Salik, 34, tanod ng Barangay Poblacion-3 sa Cotabato City; Surab Abdulla Sedik, 38; at Omar Midsel Butuan, 21, pawang residente ng Doña Teresa Extension.

Sa pangunguna ni Marvin Mendoza, ng PDEA-ARMM, nakumpiska mula sa mga suspek ang 110 maliliit na sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 0.2 gramo.

Sinampahan na kahapon ng kaukulang mga kaso ang mga suspek sa Cotabato City Prosecution Office, ayon kay Mendoza. - Malu Cadelina Manar

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya