KUNG buhay ang dakilang propagandista, isang magiting na mamamahayag na si Marcelo H. Del Pilar (Plaridel) na taga-Cupang, Bulacan, Bulacan, tiyak na pagagalitan niya at kakastiguhin ang “utak wangwang” na lulan ng mga behikulo na nanutok ng baril sa anak ng isang UP professor sa Congressional avenue kamakailan. ito ang road rage.

Ang isang sasakyan ay nakarehistro umano sa pamilya ng alkalde ng Bulacan, Bulacan. Ipinaiimbestiga na ni DiLg Sec. Mar roxas ang naturang “road rage incident” na ang sangkot na mga sasakyan ay isang Land Cruiser at isang silver toyota innova noong Oktubre 27.

Lumilitaw sa police record na ang innova na nakarehistro kay Priscila Meneses, ina ni Bulacan Mayor Partrick Meneses samantalang ang Land Cruiser naman ay nakarehistro sa isang construction company. Hindi pa natin alam ang mga bagay-bagay tungkol sa road rage kung kaya mahirap humusga.

Ang mga Bulakenyo ay lahi ng mga makabayan, bayani at kababaangloob. gayunman, may mga ganitong pangyayari na hindi natin alam ang tunay na kadahilanan. Nagreklamo ang uP professor na ang anak ay tinutukan ng armadong lalaki na lulan daw ng Land Cruiser at sumigaw pang “di mo ba alam na escort kami ng mga taong nasa innova?” Bakit, sino ba ang nasa innova, siya ba ay si PNoy o si VP Binay?

Hazing, muling isinusulong na wakasan!

Sa kabila ng medyo pikong pahayag ni PNoy na malayang iwanan ni Binay ang aquino cabinet, sinabi naman nito na mataas pa rin ang respeto niya sa binatang Pangulo. Sabi ng Pangulo: “if he thinks our direction is wrong, he is free to leave our group.” Kategorikal na hamon ito ni Pangulong Noynoy aquino sa kaibigan ng kanyang pamilya. Bakit, naniniwala ba si Binay na “tuwid na Daan” ang tinatahak ngayon ng mga Pinoy na sagad sa kahirapan at sangkaterba ang paghihirap mula sa pagsakay sa Mrt-3 hanggang sa bigat ng trapiko araw-araw?