MEXICO CITY (AFP) – Libu-libo ang nagprotesta sa Mexico City upang hilingin ang ligtas na pagbabalik ng 43 nawawalang estudyante matapos maaresto ng mga awtoridad ang mga pangunahing suspek sa kanilang pagkawala.

Ang kaso ng mga estudyante ay umani ng galit ng mundo at naging isang malaking krisis para kay President Enrique Pena Nieto.

Matapos ang halos isang buwang pagtatago, naaresto ang itinuturong utak sa krimen na sina Jose Luis Abarca, dating mayor sa katimogang lungsod ng Iguala, at asawang si Maria de Los Angeles Pineda sa Mexico City noong Martes.
National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya