Pagkakataon na ni Vice President Jejomar Binay na sagutin ang mga akusasyon laban sa kanya sakaling magdesisyon na itong humarap sa susunod na pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee.

Ayon kay Sen. Aquilino Pimentel III, masasagot na ni Binay ang mga isyu na ipinupukol sa kanya sa sub-committee kaya dapat lamang na sumipot na ito sa Senado.

Hangggang sa ngayon, wala pang desisyon si Binay kung dadalo ito bagamat ang tutol naman na humarap ito sa Senate probe ay ang kanyang mga tagapagsalita at ilang kaalyado sa Mataas na Kapulungan.

Nauna na kasing sinabi ni Binay na sa general committee lamang siya dadalo at hindi sa sub-committee na pinamumunuan ni Pimentel.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Bunsod ng kanyang pahayag, agad namang kinumbida si Binay ni Sen, Teofisto Guingona III, chairman ng Blue Ribbon Committee, upang humarap sa pagdinig.

Ayon kay Guingona, mas maganda na sagutin ni Binay ang mga tanong sa kanya at hindi lamang sa pamamagitan ng isang written statement.

Tiniyak din ni Guingona na rerespetuhin nila si Binay at siya mismo ang tututol sakaling may mga senador hindi maayos ang pagtrato sa bise presidente sakaling haharap ito sa pagdinig.