Patay ang isang hindi kilalang lalaki, na hinalang may diperensiya sa pag-iisip, matapos na barilin ng mga pulis nang i-hostage at pagtatagain ang isang 21-anyos na cashier sa loob ng isang karinderya sa Ermita, Manila noong Martes ng gabi.

Ang suspek ay inilarawang nasa edad 35-40 anyos, may taas na limang talampakan, may tattoo na “Michael” sa kanang braso, at nakasuot ng itim na t-shirt.

Isinugod sa Philippine General Hospital (PGH) ang biktimang si Joana Lacsamana, cashier ng RJ Luncheonette, at residente ng Penafrancia St., Paco, Manila bunsod ng tinamong taga sa ulo at braso.

Ayon kay SPO1 Charles John Duran, ng Manila Police District (MPD)- Homicide Section, biglang pumasok ang suspek sa loob ng RJ Luncheonette sa 799 P.Gil St. corner Taft Ave., Ermita, Manila dakong 10:30 ng gabi noong Martes.

National

Matapos rebelasyon ni Garma: Ex-Pres. Duterte, dapat nang kasuhan – Rep. Castro

Una umanong inakala ng trabahador ng karinderya na si Randy Canlas na iinom lamang ang suspek subalit laking gulat nito nang bigla umano nitong kinuha ang isang butcher knife.

Nang tangkaing lapitan ni Canlas ang suspek, biglang dinakma nito si Lacsamana at hinostage bago Gironpinagtataga.

Hinarang umano ni Canlas ang suspek ngunit sinipa siya nito saka hinatak ang biktima at dinala sa bandang kusina ng karinderya at doon hinostage at pinagtataga.

Agad na rumesponde ang mga tauhan ng MPD-Station 5 sa pangunguna ni station commander P/Supt. Juan Macapaz, at mga tauhang sina SPO1 Peter Gorgonia, PO2 Juanito Sabado, PO2 Alfreso Terado, at PO1 Ronald Gamayon at agad binaril ang suspek upang matigil ang paghuhuramentado nito.