Ejay Falcon

NAGHIHIRAP na ba si Ejay Falcon? Wala ba siyang ibang pinagkakakitaan o side rackets kapag wala siyang ginagawang teleserye?

Naitanong namin ito dahil hindi sinasadyang naikuwento sa amin ng aming kaibigang taga-Project 8, Quezon City na nakatira malapit sa townhouse na pinangungupahan ng aktor.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ilang buwan daw na hirap na hirap makababayad sa upa ang aktor.

Nagulat kami dahil imposibleng hindi ito nababayaran ni Ejay. Alam naming masinop siya at sa katunayan ay marami siyang tinutulungang ibang tao, alangan namang unahin pa niya ang pagtulong sa iba gayong ang sariling bayarin sa upa buwan-buwan ay pinababayaan niya.

Nabanggit namin ang tsikang ito kay Katotong Leo Bukas na kaibigan ni Ejay at todo pagtatanggol niya sa aktor.

“Imposible, Reggee kasi noong nabaha ako (kamakailan) ay nagsabi pa siyang magbibigay siya ng donasyon. Sabi ko nga, ‘bakit donasyon, para naman akong nasalanta ng matindi.’ Pero tatanugin ko pa rin, hindi ako naniniwala,” say ng katotong Leo.

Sabi namin, pakisabi agad sa amin ang sagot para mailabas ang panig ni Ejay.

Kuwento pa kasi ng kaibigan naming taga-Project 8, “Pinapalayas na si Ejay ng may-ari ng townhouse, hindi makabayad, puro pangako.”

Hmmm, di ba nabalita pang kakabili lang ni Ejay ng mamahaling sasakyan? Binili ba niya o bigay lang?