luis manzano

HINDI na raw kuripot si Luis Manzano.

Bongga kasi ang birthday gift na ibinigay niya sa kanyang beloved mom na si Gov. Vilma Santos-Recto.

Binanggit sa amin ni Luis na hindi na siya kuripot nang makausap namin siya sa telepono. Isang diamond jewelry set pala ang iniregalo niya sa kanyang ina na nagdiwang ng kaarawan nitong Lunes, November 3.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Kuwento ng isa sa mga bida ng Moron 5.2, tuwang-tuwa si Ate Vi sa regalo niya. Sinigurado niya na nagustuhan ng Star for All Seasons ang birthday gift niya.

“Pagkabigay ko pa lang, eh, ‘sinuot niya agad. Nakakatuwa lang talaga kay Mommy, basta gusto niya ang iniregalo mo sa kanya, eh, makikita mo ‘yun sa mukha niya,”sey pa ni Luis Manzano.

Dagdag pang kuwento ni Luis, isang pampamilyang party ang inihanda ni Ate Vi para sa kanila noong Linggo, Nov. 2. Present sina Sen. Ralph Recto, Ryan, mga kapatid ni Ate Vi, mga pinsan, at pamangkin.

Siyempre, kasama ni Luis ang kanyang soon-to-be wife na si Angel Locsin na ipinakiusap sa kanya ni Ate Vi na isama niya. Isang mamahaling designer bag naman na paborito ni Ate Vi ang iniregalo ni Angel sa kanyang future-mother-in law.

Banggit pa ni Luis, hindi pa gaanong gumaling ang allergy sa ilong ni Ate Vi. Pero naka-recover na si Ate Vi sa ulcer na naging dahilan ng apat na araw niyang pagkakaospital.

Kagaya ni Angel Locsin, excited na rin daw si Ate Vi na maumpisahan ang shooting ng pelikulang pagsasamahan ng dalawa.