Matapos ang limang taon mula nang magwagi bilang Conference at Finals Most Valuable Player noong Season 6 second conference, muling tinanghal na pinakamagaling na manlalaro ang dating University of Santo Tomas standout Aiza Maizo-Pontillas sa Shakeys V League Season 11 third conference.

Taong 2008 nang unang maglaro si Maizo-Pontillas sa itinuturing na premier women’s volleyball league sa bansa para sa UST.

At siya pa lamang ang unang manlalaro sa liga na nagwagi ng Conference at back-to-back Finals MVP.

Ang kanyang malaking naiambag upang umabot ang Cagayan Valley Lady Rising Suns sa kampeonato kung saan katunggali nila ang Philippine Army ang nagsilbing susi upang pormal niyang makamit ang nasabing pangunahing individual award.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“Sobrang masaya at sobrang thankful po ako para sa award na ito, hindi ko naman po talaga ito inaasahan,” anang 26 anyos na si Maizo.

“Pero higit sa lahat gusto ko pong magpasalamat sa management ng Cagayan sa coaching staff lalo kay coach Nes at sa lahat ng mga teammates ko sa suporta nila sa akin.Kung wala sila, hindi ko din naman magagawa lahat yung mga ginagawa ko sa loob ng court,” dagdag pa ni Maizo-Pontillas.

Ito ang unang MVP award para kay Maizo Pontillas magmula ng manalo siya ng dalawang sunod na finals MVP noong Season 6 second conference at Season 7 first conference.

Ang iba pang mga tumanggap ng individual awards ay sina Jeffrey Jimenez ng Insttuto Estetica Manila bilang kauna-unahang mens MVP at Best Spiker, ang kakampi niyang si Rennz Ordonez bilang Best Setter,

Joshua Barrica at Rikko Mamerto ng Far Eastern University bilang Best Server at Best Receiver, Salbvador Depante at Sylvester Honarade ng Systema Tooth and Gum Care bilang Best Scorer at Best Blocker at Kenneth Bayking ng Rizal Technological University bilang Best Digger.

Sa kababaihan, bukod sa MVP ay tinanghal ding Best Scorer si Maizo Pontillas, habang Best Server at Best Receiver ang mga kakampi niyang sinang Rea Saet at Shiela Pineda, Jovelyn GOnzaga ng Philippine Army bilang Best Spiker, Abigail Marano ng Merlco bilang Best Blocker at sina Lizlee Ann Pantone at Rubie de leon ng PLDT bilang Best Digger at Best Setter.