Nobyembre 2, 1882 nang tinupok ng apoy ang bayan ng Oulu sa Finland, malapit sa Baltic Sea. Winasak ng pagliliyab ang pitong bloke ng gitnang bahagi ng bayan, kabilang ang assembly hall nito.

Nagsimula ang apoy sa basement ng botika na nasa panulukan ng mga kalye ng Kirkkokatu at Pakkahuoneenkatu. Nasa basement ang flammable materials, tulad ng gasolina. Ang pagliliyab—na hindi na nakontrol—ay mabilis na mga bodega ng asin at palay sa baybayin at winasak ang 27 gusali.

Kalaunan ay naapula rin ng mga bombero ang apoy ngunit malaki na ang pinsala nito.

Sa panahong iyon, kilala ang Oulu bilang pinakamalaking Tar exporter sa mundo. Ang Tar ng Oulu ay nagamit sa isang komersiyal na barko upang gawing waterproof ang mga barkong kahoy.
National

‘Huli sa akto!’ Empleyado sa GenSan, sinubukan umanong lasunin ang boss niya