Wenn Deramas

SA kabila ng nangyari sa kanila, napanatili nina Direk Wenn Deramas at DJ Durano ang friendship nila. Kung isiniwalat ni DJ ang nalalapit na pagpapakasal nila ng kanyang kababayang girlfriend ay ipinagmamalaki naman ni Direk Wenn na in love siya ngayon sa isang non-showbiz guy, huh!

“Well, may boyfriend ako ngayon, hindi celebrity. Three months na kami. Kaibigan siya ng kaibigan ko, so nakita ko siya. Nakita ko ‘yung picture ng kaibigan ko na kasama siya. Sabi ko, sino ‘yan? ‘Yun, may sarili siyang negosyo. Nandu’n siya sa Maria Leonora Teresa, bisyo ko na ‘yung ilagay ko siya sa pelikula,” napatawang pag-amin ni Direk Wenn.

Pero ayon sa box office director, kahit super in love siya sa isang guy ay hindi kailanman pumasok sa utak niya ang salitang kasal. Aware si Direk Wenn na hindi tanggap ng higit na nakararami nating kababayan ang pagpapakasal ng lalaki sa kapwa lalaki.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Isa pa rin sa iniingatan ni Direk Wenn ang pinaghihirapan niyang yaman.

“Pinaghirapan ko ang yaman ko, ihahati ko sa kanila? May divorce sa abroad pero hindi maaaprubahan dito sa atin. Hindi ako naniniwala sa concept na ‘yun. ‘Yung kasal, sa babae at lalaki. Kapag nangyari pa sa aming mga bakla baka magpatiwakal kayong mga babae,” napatawang lahad pa niya.

Ayon kay Direk Wenn, wala siyang aral na natutuhan sa mga nakaraang pakikipagrelasyon niya. Kaya bago siya pumasok sa pakikipag relasyon, nahanda na siya sa anumang mangyayari.

“From the very start naman, walang forever. Magandang foundation ng isang tao na alam mong lahat na may katapusan, alam mo ‘yun, at ready ka. Kapag nangyari ang paghihiwalay, buo ka pa rin. Ibigay mo nang todo, naibigay mo ang lahat-lahat, wala kang regret,” pailing-iling na banggit ng palakaibigang direktor.

Dagdag pa niya, walang naging sumbatan sa nangyari sa nakaraang relasyon niya. Anumang bagay na naibigay na nila sa isa’t isa, eh, wala na.

“Parang toothpaste lang ‘yan, pindot ka nang pindot, eh, naubos. Bili ka ngayon ng bago. Hindi ako nauubusan ng pagmamahal,” napatawang lahad pa ni Direk Wenn.

Kayang kaya niyang ibigay ang lahat-lahat sa kanya, pero hindi niya kayang ibigay ang love.

“I can give my time, I can give my money, I can give anything, but I can’t give my love, akin lang ‘yun. Kunwari, mahal kita, akin ‘yun, kasi mahal kita. Hindi ko p’wedeng ibigay sa ‘yo. Kapag ‘binigay ko sa ‘yo, katapusan natin pareho,” sey pa niya.