Upang matiyak ang kaligtasan ng mga pamilyang Pinoy na bibiyahe sa iba’t ibang lugar ngayong Undas, muling ipinatupad ng Petron Corporation ang pinakamatagal nang motorist assistance sa bansa na tinaguriang “Petron Lakbay Alalay.”
Bilang tradisyon, muling nagpaskil ang Petron ng mga billboard na nagtataglay ng mga safety reminder tulad ng “Don’t text and drive,” “Check your brakes,” at “Observe speed limits” sa mga motorist na bibiyahe sa North Luzon Expressway South Luzon Expressway sa kanilang pagtungo sa mga lalawigan.
Upang matiyak na ligtas ang pagbiyahe, maaaring dalhin ang kanilang sasakyan upang sumailalim sa libreng check up sa mga Petron station.
Sa pamamagitan ng isang 38-point checklist, ang libreng service checkup ay kinabibilangan ng inspeksiyon sa tire pressure, oil at radiator water level at brake system.
Kabilang sa mga kaakibat sa Lakbay-Alalay ay ang Bridgestone, Isuzu, Honda, Philippine Red Cross at Phil Care.
Mamimigay din sa mga piling Petron station ng libreng Magnolia ice cream at bottled water; at giveaways mula Purefoods, San Mig coffee, Hungry Juan, Pepsi, Polo mint candy at Clear shampoo.
Samantala, ang mga Petron Value card holder ay may libreng 24/7 free towing service at roadside assistance sa numerong (02)459-4735.
Para libreng towing service, dapat nakakubra ng minimum 10 value point nitong mga nakaraang buwan ang isang motorista.