Tony Parker

SAN ANTONIO (AP)- Nagsalansan si Tony Parker ng 23 puntos, kabilang na ang game-winning 3-pointer, habang nag-ambag si Manu Ginobili ng 20 puntos kung saan ay tinanggap ng San Antonio Spurs ang emotional NBA championship commemoration matapos ang kapana-panabik na 101-100 victory kontra sa Dallas Mavericks sa kanilang season opener kahapon.

Nagtala si Tim Duncan ng 14 puntos at 13 rebounds para sa kanyang ika-14 na double-double sa season opener, ang pinakamalaki sa kahit sinumang manlalaro sa kasaysyan ng NBA, ayon sa Elias Sports.

Umiskor si Monta Ellis ng 26 puntos, inasinta ni Dirk Nowitzki ang 18 puntos habang nagdagdag si Devin Harris ng 17 puntos sa Dallas.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Kasunod ng video recap ng 2014 season na inilahad ng actor at Spurs fan Samuel L. Jackson, iprinisinta ni NBA Commissioner Adam Silver sa San Antonio’s staff at players ang kanilang championship rings.

Nakatatak sa loob ng singsing ang katagang ‘’Good to Great,’’ na siyang motibo ni coach Gregg Popovich sa nakaraang season.

Ito ang unang pakikipagharap ng koponan simula ng dalhin ng Dallas ang San Antonio sa pitong mga laro sa opening round ngh playoffs noong nakaraang season, ang pinakamatinding pagsubok ng Spurs sa panahon ng kanilang pamamayagpag tungo sa ikalimang NBA championship. Pinatunyan na ang rematch ay isang tensiyonadong laro matapos ang mabagal na pagsisimula.

Makaraang ibigay ni Nowitzki sa Dallas ang 100-98 lead, kaakibat ang fade-away jumper sa harap ni Boris Diaw sa nalalabing 1:37 sa orasan, ikinasa ni Parker ang 3-pointer sa harap ng Mavericks bench para sa 101-100 lead. Taglay ni Parker ang 4-for-4 sa 3-pointers, ipinatas ang career high para sa tress sa naturang laban.

Naimintis ni Chandler Parsons, nilisan ang Houston Rockets upang lumagda sa Mavericks, ang 3-pointer sa natitirang 0.4 segundo na dapat sana’y magbibigay sa kanila ng panalo. Sumablay ang kanyang buslo sa gilid mismo ng rim.

Nakamit ng San Antonio ang limang turnovers sa unang 8 minuto at naimintis ang unang tatlong basket bago mainit na naibuslo ang isang long-range shooting na nagresulta rin sa five-game rout sa Miami Heat sa NBA Finals.

Kapwa nagkagitgitan ang dalawang koponan sa tensiyonadong third quarter. Inisyu ang technical fouls kina Tyson Chandler at Nowitzki, may 4 minuto pa sa third quarter, nang kapwa sila magtalo. Ipinataw ang parusa ni game official Jason Phillips.

Nagpatuloy sa pakikipagtalo si Nowitzki matapos na matanggap nito ang offensive foul kahit pa na ito’y tumanggap na ng technical.

Nangyari ang nasabing technical fouls mula sa 14-2 run ng San Antonio tungo sa 62-59 lead, may 6:36 pa sa orasan sa third.

Ito ang ikalimang pagtatagpo ng Spurs at Mavericks sa pagbubukas ng season. Ibinalik ng San Antonio ang 14 na manlalaro, na siyang pinakamatindi sa kasaysayan ng prangkisa.

Nagbuslo lamang si Ginobili ng 20 porsiyento sa kasagsagan ng preseason, patungo sa 8-for-41 mula sa field at 2-for-23 sa 3-pointers. Taglay nito ang 6-for-13 mula sa field at 2-for-6 sa 3s kahapon.