Mga laro ngayon (Cuneta Astrodome):

2 p.m. — Mane ‘N Tail vs Foton (W)

4 p.m. — Cignal HD vs Petron (W)

6 p.m. — PLDT vs Cavite (M)

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Isa ang makatitikim ng panalo sa salpukan ng kapwa baguhan na Mane N Tail at Foton habang isa ang madudungisan sa pagitan ng nangungunang Cignal HD at Petron Blaze sa matinding sagupaan ngayong hapon sa pagpapatuloy ng 2014 Philippine Super Liga Grand Prix handog ng Asics sa Cuneta Astrodome.

Magkakasukatan ng lakas ang nagpapakitang lakas na Mane N Tail Stallions at ang matibay na Foton Tornadoes sa ganap na alas-2 ng hapon habang isa lamang ang mananatiling walang dungis matapos ang salpukan sa pagitan ng Cignal HD Spikers at Petron Blaze Spikers sa ganap na alas-4 ng hapon.

Maghaharap naman sa una nilang paglalaro sa komperensiya ang dalawang sunod na kampeong PLDT TelPad Air Force at ang kinukunsiderang darkhorse na Cavite Patriots sa ganap na alas-6 ng gabi.

Matapos ang matagumpay na kampanya sa Ilocos Norte ay agad sasalpok ang Petron kontra sa nakapagpahinga na Cignal sa labanan na kapwa itataya ng dalawang koponan ang kanilang malilinis na kartada sa women’s division ng prestihiyosong inter-club na torneo na inorganisa ng Sports Core kasama ang Air 21, MyPhone, Via Mare, LGR, Mikasa, Mueller Sports Medicine, Healthway Medical, Generika Drugstore, at Jinling Sports na technical partners.

Tampok ang magaganda at matatalino maglaro na imports, bumulusok sa liderato ang Petron matapos nitong biguin ang Generika sa una nitong laban bago tinalo ang matinding Mane ‘N Tail sa tampok na laban sa ginanap na out-of-town na salpukan sa Sto. Domingo, Ilocos Sur.

Nagtulong ang import ng Petron na sina dating Miss Oregon Alaina Bergsma, na nagtala ng 25 puntos habang ang pareha nito na Brazilian na si Erica Adachi ay itinala ang 53 sa kabuuang 55 excellent sets ng koponan upang itulak ang Blaze Spikers sa 21-25, 25-16, 25-21 at29-27 panalo kontra sa Lady Stallions upang agad na ikunsidera bilang paborito sa korona na binakante ng tatlong beses tinanghal na kampeon na Philippine Army.

Nagpamalas din ang rookie na si Dindin Santiago matapos itong humataw ng 11 puntos kabilang ang krusyal na dalawang matutulis na spike sa krusyal na yugto upang tulungan ang Petron na matakasan ang eksplosibong 37-puntos na paglalaro ni Mane ‘N Tail import Kristy Jaeckel.

“It was a test to our mental toughness,” sabi ni Petron coach George Pascua, patungkol sa laban na tinampukan ng makapigil-hininga na palitan ng palo at pagpapaktia ng taktika sa volleyball na napanood ng naguumapaw na mga Ilokanong manonood.

“But that victory will be worthless if we will not win over Cignal on Wednesday. Cignal is also still undefeated, so I expect the game to go down the wire because pride will be at stake. Nobody would want to lose. It will all boil down to who wants it more,” sabi ni Pascua.

Ito ay dahil isa sa matitinding karibal at mahirap din biguin ang Cignal. Muling sasandigan ng Cignal ang hard-spiking American duo nina Sarah Ammerman at Lindsay Stalzer na siyang nagtulak sa HD Spikers tungo sa upsetna panalo kontra RC Cola-Air Force sa unang laban ng torneo bago sunod na binigo ang Mane ‘N Tail, 25-15, 22-25, 25-19, 26-24, sa huli nitong laro.

Si Stalzer, na mula sa Bradley University, ay nagtala ng 25 puntos habang si Ammerman ay may 22 markers na nagtala sa pares bilang mga sandigan sa pagdurog sa Lady Stallions.

“Our biggest strength is that we have reliable imports who know how to play and communicate well with our locals inside and outside the court,” sabi ni Cignal coach Sammy Acaylar. “I’m sure they will go all out in our next game against Petron. These girls love to compete and facing a strong team like Petron will squeeze out the best in them.”

Maliban kay Stalzer at Ammerman, aasahan din ng Cignal ang middle hitter na si Royse Tubino na makakatapat ang league’s best middle hitter na si Santiago. Makakatulong nito si Abigail Praca na nasandigan din ng koponan sa ikalawa nitong sunod na panalo.