Tinututukan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang presyo ng kandila at bulaklak na posibleng dumoble hanggang triple habang nalalapit ang Undas.
Karaniwan nang tumataas ang presyo ng kandila at bulaklak tuwing Undas dahil sa paglaki ng demand o pangangailangan sa mga ito.
Gayunman, binalaan ng DTI ang mga negosyante na sumunod sa itinakdang suggested retail price (SRP) ng kandila at bulaklak upang makaiwas sa malaking multa at parusa na maaaring ipataw ng kagawaran sa mga mahuhuling lalabag dito.
Pinag-iingat din ng DTI at ng EcoWaste Coalition ang publiko laban sa mga nakalalasong uri ng kandila, partikular ang matitingkad ang kulay, na nagtataglay ng mataas na lead.
Hinimok din ang mga mamimili na maging mapanuri at bilhin lang ang pumasa sa pamantayan ng DTI at ng Food and Drug Administration (FDA) upang masiguro na hindi malalagay sa panganib ang kaligtasan o kalusugan ng gagamit nito.