ST. LOUIS (AP)- Itinarak ni rookie Zach LaVine ang lahat ng 6 na puntos sa huling 5 minuto upang tulungan ang Minnesota Timberwolves na burahin ang 13-point deficit sa kalagitnaan ng fourth quarter at isara ang preseason na taglay ang 113-112 victory kontra sa Chicago Bulls kahapon.

Nagposte si Derrick Rose ng 27 puntos at 5 assists sa Chicago (4-4). Si Rose ay nagsalansan ng 57 puntos sa huling dalawang preseason games para sa Bulls, umaasang mapapasama sa contenders sa Eastern Conference.

Pinamunuan ni Ricky Rubio ang Timberwolves sa itinalang 19 puntos, 5 assists at 2 steals. Napagwagian ng Minnesota (5-2) ang huling apat sa preseason.

Tinipa ni Anthony Bennett ang go-ahead basket sa nalalabing 2:05 na nagdala sa 107-106. Ang dalawang free throws ni LaVine ang nagbigay sa 113-109 sa natitirang 4.2 segundo pa sa orasan at nakasalba ang Timberwolves nang maimintis ni Thaddeus Young ang pares ng buslo may 1 segundo na lang sa korte habang nagmintis din si Mike Dunleavy mula sa desperasyon na basket.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary