SAN FERNANDO, La Union – Inihayag kahapon ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na makararanas ng 11-oras na brownout sa ilang bayan sa Pangasinan para bigyang-daan ang taunang preventive maintenance at pagsusuri sa mga power transformer.

Magsisimula ang brownout bandang 7:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi ngayong Sabado, na makaaapekto sa mga kostumer ng Pangasinan Electric Cooperative 3 (PANELCO 3), Central Pangasinan Electric Cooperative (CENPELCO) at Dagupan Electric Corporation (DECORP).

Apektado ang mga bayan ng San Manuel, Binalonan, Pozzorubio, Laoac, Manaoag, Mapandan, San Jacinto, San Fabian, Mangaldan, ilang bahagi ng Sison at ng Urdaneta City. - Liezle Basa Iñigo
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20