Sinibak sa puwesto ang dalawang chief of police sa Regional Police Office-6 kaugnay sa serye ng panloloob sa treasurer’s office sa mga lokal na pamahalaan sa Negros Occidental.

Sa kautusan noong Miyerkules ni Negros Occidental Police Provincial Office (NOPPO) Dir. Senior Supt. Milko Lirazan, sinibak sa puwesto sina Senior Insp. Vanessa Sonoy, hepe ng Valladolid Police Station, at Insp. Alfredo Garcia, hepe ng Moises Padilla Police Station.

Ang dalawa ay pansamantalang inilipat sa NOPPO headquarters habang isinasagawa ang imbestigasyon sa insidente.

Ipinag-utos ni Lirazan sa mga hepe ng pulisya sa lalawigan ang mahigpit na pagbabantay sa mahahalagang installation sa kanilang nasasakupang lugar matapos ang mga naunang kaso ng mga treasurer’s office na ni-ransack at nakuhaan ng milyong cash sa vault.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Batay sa rekord, ang treasurer’s office ng Valladolid at Moises Padilla, ang panganim at pampitong ng treasurer’s office na nilooban sa nasabing probinsiya.

Ilang metro lamang ang layo ng istasyon ng pulisya sa mga treasurer’s office na ito.