Bagamat marami ang humanga, marami rin ang nagdududa sa tunay na kakayahan ng top rookie pick na si Stanley Pringle para sa koponan ng Globalport Batang Pier noong nakaraang Martes ng gabi sa Araneta Coliseum kung saan natalo sila ng baguhang NLEX Road Warriors, 96-101.

Tumapos lamang na may 14 puntos at nagtala ng 5 attempts sa field goal ang dating Indonesia Warriors star player sa ABL, bukod pa sa tig-5 assists at rebounds at 3 steals.

Marami ang nagtataka kung bakit mistulang naging “gun-shy” si Pringle at sa mga pagkakataong kinakailangan ng Batang Pier ng kanyang produksiyon ay hindi ito kinakitaan ng pagiging agresibo sa pag-atake sa depensa ng kalaban upang umiskor.

National

4 na senador, binawi ang pirma sa Adolescent Pregnancy Bill

“I take the shots as it goes. I don’t want to force anything because we got a lot of scorers in the team,” pahayag ni Pringle. “If they need me to take more shots, then I’ll see, but right now, I’m just taking smart shots, not trying to force anything.”

Kahit ang kanyang coach na si Pido Jarencio ay nagsabing likas sa kanyang 27-anyos na guard ang pagiging isang team player.

“Ganoon talaga siya, gusto niya ma-involve lahat ng mga kasama niya. Pero hindi pa iyon ‘yung full potential niya, mayroon pa siyang mailalabas just like the other guys in the team,” ani Jarencio.

At gaya ng kanilang mentor, optimistiko si Pringle na may maganda silang tatanawin sa mga susunod nilang laban.

“We didn’t get the win, we’re a little disappointed,” ayon sa six-foot Fil-American guard na produkto ng Pennsylvania State. “They’re all competitors and they all want to win. Every person was upset today. We lost, everybody’s mad, everybody’s ready to get back and get some wins.”