Kylie Padilla

DUMAAN sa audition si Kylie Padilla para sa role sa Ilustrado, ang first primetime bayani-serye ng GMA News and Public Affairs na nag-pilot telecast na kagabi sa GMA-7.

Ang Ilustrado ay tungkol sa journey ni Dr. Jose Rizal simula sa pagkabata hanggang sa pag-aaral niya sa Espanya.

Inamin ni Kylie na may ilang Kapuso actress din siyang nakasabay sa audition at masaya siya na isa siya sa mga napili para makasama ni Alden Richards bilang si Dr. Jose Rizal.

National

Painting ni Amorsolo sa private museum sa NegOcc, ninakaw!

“Nang mag-audition po ako, hindi ko alam kung anong role ang gagampanan ko,” kuwento ni Kylie. “Nang ako po ang nakapasa sa audition, saka lang nila sinabi na role pala ni Leonor Rivera ang gagampanan ko. Bago po iyon, nanood na ako ng documentaries tungkol kay Rizal, nag-research din ako sa Internet tungkol sa ating national hero. Tiningnan ko na rin kung ano ang costumes na isusuot ng bawat character sa serye.

“Pero saka ko pa lang nalaman na ang gagampanan ko pala ay role ni Leonor Rivera, natuwa ako at na-in love agad ako sa character niya,” kuwento ni Kylie. “As Leonor Rivera, malungkot ang buhay niya, she was a lonely woman, pero strong-willed, mahal niya si Pepe, pero maraming bagay na hindi p’wede sa kanilang dalawa. Tinulungan ako nina Direk King Marc Baco na i-release ko ang emosyon ko sa medyo mahihirap na eksena. At dito ko naman nagamit ang mga naranasan ko na noong may lovelife pa ako.”

Natanong tuloy si Kylie tungkol sa pagbabati na nila ni Louise delos Reyes at tungkol sa status nila ngayon ni Aljur Abrenica.

“Yes, po, magkabati na kami, kasi naman bago pa iyong issue, friends na talaga kami ni Louise. Pero hindi pa rin ako ready na makasama siya sa isang project, need ko pa ring mag-let go, at least maayos na kami. Lagi po kasi kaming magkasama sa Sunday All Stars at ayaw ko namang magtrabaho na may kasama na hindi ko kinakausap. P’wede siguro kung kontrabida ang role ko, kasi ayaw ko na ring ma-typecast na lagi na lang mabait. ‘Pag kontrabida ako, p’wede kong i-release ang emotions ko,” natawang sabi pa ni Kylie.

“Three years din kami ni AJ (Aljur), inaamin ko, minahal ko siya, pero ngayon kahit nag-uusap na kami, hindi ko na siya kayang tanggapin kung babalik siya muli sa akin. Nag-try kaming ayusin ang relasyon, pero ako na rin ang nagsabing hindi na p’wede, nakakapagod. Gusto ko kung magkaka-boyfriend ako uli, hindi na taga-showbiz.”

Kumusta namang katrabaho si Alden?

“Magandang kasama sa project si Alden, na matagal ring friend at dati na kaming nag-uusap. Pagdating po sa aming craft, nakakahingi ako sa kanya ng tips kung paano iiyak, aarte. Napaka-comfortable po siyang kasama sa trabaho, mabait, masayahin, pero seryoso na sa harap ng kamera.”

Napapanood ang Illustrado sa primetime telebabad ng GMA-7, pagkatapos ng Strawberry Lane.