May apat na araw na paghahanda bago muling sumabak sa kanilang ikalawang laro kontra Rain or Shine, nangako ang expansion team Blackwater Sports na babawi sa naging kabiguang nalasap sa kamay ng kapwa baguhang Kia Sorento noong opening day ng 2015 PBA Philippine Cup sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.
“We squandered the opportunity to win,” pahayag ni Elite coach Leo Isaac matapos nilang mawala ang 13 puntos na kalamangan sa first half at mabigo sa iskor na 66-80 sa kamay ng KIA.
“This is a very big lesson for us after na magkaroon ng parang thinking that KIA will roll over. There’s no team that would just give you a win in basketball,” dagdag pa nito.
Bago ang laro, kumpiyansa ang pamunaun at coaching staff ng Elite na magpapatuloy ang magagandang ipinakita nila sa kanilang pre-season games kung saan tinalo nila sa isa sa kanilang mga tune-up matches ang KIA ni coach Manny Pacquiao.
Ngunit pagdating sa actual game, hindi nangyari ang kanilang inaasahan.
“Unfortunately, we did not play as team, it seems that they are lost in a big crowd,” ayon pa kay Isaac na tinutukoy ang mahigit a 52,00 mga fans na dumagsa sa pinakamalaking domedarena sa buong mundo para saksihan ang pagbubukas ng 40th season ng liga.
“We just have to find a way to improved on our next game,” ayon pa sa Elite coach.
Sa kanilang pagharap ni Rain or Shine, aminado si Isaac na magiging isang napakabigat na pagsubok ito para sa kanilang koponan ngunit sisikapin nila itong mapaghandaan at maitanim sa isip ng kanilang mga players na isa itong napakatinding pagsubok na kailangan nilang lagpaan.