Leonardo DiCaprio

NAKIPAGTULUNGAN si Leonardo DiCaprio sa online streaming service na Netflix sa production ng isang documentary tungkol sa endangered mountain gorillas sa East Africa, sabi ng filmmakers.

Ang bituin ng Titanic ang executive producer ng Virunga, inilarawan na “part investigative journalism and part nature documentary” at idinirehe ni Orlando von Einsiedel.

Sinusundan ng documentary ang isang grupo ng palabang park rangers sa Democratic Republic of Congo, “as they are caught in the crossfire of poachers, militia and industry in Africa’s oldest national park,” saad sa pahayag ng Netflix.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ang protected Virunga sanctuary ng Eastern Congo ay tahanan ng halos sangkapat ng critically endangered mountain gorilla ng mundo.

Ang pelikula ay ilalabas sa mga sinehan sa New York at Los Angeles sa Nobyembre 7, at via Netflix sa parehong araw.

Sinabi ni Leonardo na ang mga pelikula gaya ng Virunga ay nagbibigay ng, “window into the incredible cultural and natural diversity of our world, the forces that are threatening to destroy it, and the people who are fighting to protect it.

“Partnering with Netflix on this film is an exciting opportunity to inform and inspire individuals to engage on this topic.”

Ang Netflix ang nagpasimuno sa streaming ng original content, kabilang na ang mga TV show at pelikula, sa mga karibal na traditional network at cable broadcasters.

Nitong unang bahagi ng buwan, inihayag na napalagda nito ang komedyanteng si Adam Sandler para mag-produce ng apat na pelikula na eksklusibong ipamamahagi sa subscribers ng Netflix, sa pagpapalawak sa pagpasok nito sa cinema.

Kamakailan ay inilahad ng Netflix ang plano nito para sa sequel ng Oscar-winning film na Crouching Tiger, Hidden Dragon na sabay na magbubuhay sa online streaming service at sa mga piling sinehan sa susunod na taon.

Ipinagmamalaki ng streaming content giant na may 50 milyong subscriber sa halos 50 bansa, kasunod ng expansion sa ilang bansa sa Europe.

Sa kanyang latest announcement, sinabi ni Netflix Chief Content Officer Ted Sarandos na si Leonardo, “intuitively understands that there is nothing like the power of film to reach people’s hearts and minds.

“With Virunga, we’ll work with Leo to introduce viewers around the world to an incredible, gripping story that will have audiences guessing right up until the final act.” - Agence France-Presse