SYLVIA Sanchez

NATAWA si Sylvia Sanchez nang biruin namin noong Sabado ng gabi na may sarili pala siyang premiere night, ginanap sa dalawang sinehan sa Shangri-La Plaza Mall, para sa The Trial (Star Cinena) na pinagbibidahan nila nina John Lloyd Cruz, Vince de Jesus, Jessy Mendiola, Vivian Velez, Richard Gomez at Gretchen Barretto mula sa direksiyon ni Chito Roño.

May magandang katwiran si Ibyang kung bakit niya ipinasara ang isang screening sa dalawang sinehan.

“Malaki ang pamilya ng asawa ko (Art Atayde) at mga kanegosyo niya na gustong manood at marami rin akong kaibigan na hindi pa nakakapanood. Nahiya naman akong ihingi sila ng tickets sa premiere night dahil baka sa kanila lang mapunta lahat ang tickets.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

“Kaya treat ko ito sa lahat ng pamilya ko, kasamahan sa trabaho at mga kaibigan ko, hindi kasi kasya sa isang sinehan kaya dinalawa ko, maliit lang naman ang capacity ng bawat isa dahil pang-special screening lang talaga, isang 88 at 60,” paliwanag ni Ibyang.

In fairness, hindi naman napahiya si Sylvia dahil talagang pinapalakpakan siya sa mga eksena nilang tatlo nila Vince at John Lloyd lalo na nu’ng bugbugin niya ang huli.

Pati nga mga lalaki ay panay ang punas ng kanilang mga mata habang nanonood, naintindihan nila ang pinagdadaanan ng magulang na may anak na may diperensiya.

Hindi na namin rerebyuhin ang pelikula dahil ayaw naming i-preempt ang mga manonood, balitang-balita naman na talagang maganda ang pelikula at ang gagaling ng buong cast. Ang gusto naming isulat ay ang komento ng mga nakapanood na hindi nila ini-expect na si Ibyang ay magaling daw palang umarte.

Maging kami, na matagal na niyang kaibigan, nagulat din sa performance niya sa The Trial dahil nasanay na kami sa role niya bilang nanay na bungangera, o nakikipag-away, konting drama-dramahan at light acting sa Be Careful With My Heart.

Mapapamura ka sa husay nga ni Sylvia Sanchez.

Nagkatawanan ang lahat nang kunan ng reaksiyon si Arjo Atayde sa pag-arte ng nanay niya, “Hmmm, okay lang, puwede na,” tumatawang sabi ng binata.

Ang reaksiyon naman ni Papa Art sa performance ng asawa, “Mas guwapo na sa akin, kahawig na n’yo siya (sabay turo sa mga kaibigan ni Ibyang na tomboy).”

At ang nakakalokang parte, nang magbanyo kami ay nakita namin si Ibyang sa lobby ng sinehan na kasama ang limang bata na makukulit, panay ang saway niya, at tinanong namin kung ano ang ginagawa niya at wala siya sa loob ng sinehan.

“Eh, ako ang yaya kasi nanonood mga magulang nila, ayaw naman nila (mga bagets) manood,” hinihingal na sabi.

Nakakaloka, ang nagpa-premiere night, naging instant yaya?!

Anyway, ang ilan sa mga dumating na celebrities ay sina Billy Crawford, Coleen Garcia, Dante Ponce, Mel Kimura, Joy Viado, Atong Ang, Tony Calvento at iba pa na hindi na namin inabot.