2014-PSL-Grand-Prix-Opening-550x302

Nagpamalas ng kanilang pagkakuwela at kakulitan ang mga reinforcement na kalahok ngayong taon makaraang magpamalas ng kanilang talento sa pagbubukas ng 2014 Philippine Super Liga (PSL) Grand Prix sa Smart Araneta Coliseum.

Ipinakita ni Alaina Bergsman ang kanyang pagiging 2012 Ms. Teen USA sa pagsusuot ng kaakit-akit na damit habang tila isang motocross rider naman ang costume ni Erica Adachi.

Tila isa namang mga Air Force pilot ang magkaparehang sina Bonita Wise at Emily Brown ng RC Cola na kumpleto sa suot na military uniform habang nagsuot naman ng buntot at mahabang buhok ang reinforcement ng Mane ‘N Tail na sina Kristy Jaeckel at Kayle Manns.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Nagpakita ng kanyang gymnastics skills sa pag-summer sault si Lindsay Stalizer na kasama si Sarah Ammerman ng Cignal HD Spikers habang nagmodelo at sumayaw sina Miyu Shinohara at Natalia Korobkova ng Generika.

Sumayaw at nagmodelo rin sina Elena Tarasova at Irina Tarasova ng Foton Tornadoes.

Ilan naman sa mga nagsidalo bilang mga panauhin ng mga koponan ang host-manager na si Boy Abunda para sa Generika Life Savers habang kasama si dating Ateneo at Barako Bull player Nico Salva sa Cignal at ang dating PBA MVP na si Alvin Partrimonio ng Petron.

Nakisaya rin sa pagbubukas ng liga si Eula Caballero na napapanood sa Wattpad kasama sina Sophie Albert na bahagi rin ng palabas at si Mark Neumann na mula sa Artista Academy.