Aarangkada ngayon ang ikaapat na season ng DELeague basketball tournament sa Marikina Sports Center.

Tampok sa ligang itinataguyod ni Marikina Mayor Del de Guzman ang ilang dating players ng PBA at collegiate stars ng UAAP at NCAA.

“Sa tatlong taon ng DELeague ay marami tayong nasaksihang magagandang laro. Ngayong nasa ikaapat na taon na ang liga, inaasahang mas magagandang laban pa ang ating masasaksihan,” pahayag ni Mayor De Guzman.

Ang season 4 ay lalahukan ng 12 teams na kinabibilangan ng two-time defending champion Hobe Bihon, ang unang nagkampeon sa liga na Sta. Lucia Land, Siargao Legends, FEU-NMRF, Kawasaki-Marikina, Uratex Foam, MBL Selection, Philippine National Police, Cars Unlimited, Sealions, Team Mercenary, at Supremo Builders-Our Lady of Fatima University. Sa opening ceremony, dakong alas-4:00 ng hapon, magkakaroon ng patimpalak para sa Best Muse na ang mananalo ay tatanggap ng premyong P3,000 na mula sa Luyong Restaurant Concepcion.

National

PNP, nakasamsam ng tinatayang <b>₱20B halaga ng ilegal na droga sa buong 2024</b>

Sa unang laro, maglalaban ang Kawasaki-Marikina at Supremo Builders-Our Lady of Fatima University sa ganap na alas-5:00 ng hapon habang magtatapat ang Hobe Bihon at Sta. Lucia Land sa ganap na alas-7:00 ng gabi.

Ang mga mananalo sa ligang ito ay mabibiyayaan P200, 000 premyo at tropeo, P100, 000 at tropeo sa ikalawang puwesto, at P50,000 at tropeo sa ikatlo.

Sasabak sa aksiyon ang ex-PBA stars na sina Willie Miller, Ali Peek, Danny Seigle, Kiko Adriano, Marlou Aquino, EJ Feihl, Jerome Ejercito, Leo Avenido, Nick Belasco, Don Camaso, at marami pang iba.

“Halina at muli nating suportahan ang DELeague. Tinitiyak natin na hindi masasayang ang inyong P10.00 entrance fee,” dagdag ni De Guzman.

Ang ligang ito ay suportado rin ng PCA Marivalley, St. Anthony Hospital, CLJ Properties, PS Bank Blue Wave Marquinton Branch, Luyong Restaurant, Mickies Equipment Sales and Rental, Tutor 911 at Toyota Motors Marikina.