CAMP OLIVAS, Pampanga – Isang 12-anyos na lalaki na dinukot kahapon ng madaling araw ng dalawang lalaki sa Tarlac City ang agad na naibalik sa kanyang pamamahay makaraang matunton ng pinagsanib na puwersa ng pulisya at Anti-Kidnapping Group ang getaway vehicle ng mga suspek sa Bataan sa pamamagitan ng CCTV footages at Global Poisoning System (GPS).

Ito ang sinabi kahapon ni Senior Supt. Melvin Ramon Buenafe, deputy director for operation ng Police Regional Office (PRO)-3 at officer-in-charge ng Tarlac Police Provinccial Office (TPPO), sa press conference na roon niya pinangalanan ang mga suspek na sina Alvin Samar, 33, leader ng kidnap-forransom group; at Freddie Aguilar, 29.

“Nung una, nakipag-negotiate sila for the ransom from P15 million to P10 million, tapos inalis nila ‘yung SIM card thinking hindi namin sila matetrace.

Pero hi-tech na tayo ngayon, and we utilized the GPS to track signals,’’ paliwanag ni Buenafe.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

“Kinalap din namin ‘yung mga CCTV footages mula sa kanilang pinanggalingan sa Concepcion, Tarlac exit going to Dinalupihan in Bataan kung saan nakita ‘yung sasakyan na ginamit ng mga suspek and we chased them from there,” dagdag niya.

Kasama ng 12-anyos na bata ang kanyang ina lulan sa kanilang Toyota Corolla nang tangayin siya ng dalawang suspek mula sa sasakyan sa Barangay Sto. Cristo sa Concepcion, Tarlac.

Nailigtas ang bata sa Bgy. Gugo sa Samal, Bataan, na hideout ng mga suspek.