Maaaring hindi ito batid ng mga palaboy na nasa paanan nito, kuntento lang sila sa kapirasong espasyong nagagalawan, may napaglulutuan ng pagkain at natutulugan, pero posibleng hindi na nila napapansin ang malaking ipinagbago ng prominenteng MacArthur Monument.

Ang estatwa, na simbolo ng pagbabalik sa Pilipinas ni U.S. General Douglas MacArthur 70 taon na ang nakalilipas, ay pinuno ng vandals, nakukulapulan ng itim na pintura at marami nang bitak ang kongkretong platform na kinatatayuan nito.

At ang nakalulungkot, malala na ang kondisyon ng rebulto, larawan ng labis nang napabayaan.

Hindi rin maayos ang lagay ng tulay na ipinangalan kay MacArthur bilang paggunita sa kanyang pagbabalik sa baybayin ng Leyte. Luma at mahina na ito, na nakaapekto sa tibay nito bilang istruktura.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nakapag-bida na ang Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa retrofitting ng istruktura na ang “steel component is corroded” at may “minor cracks.”

“The bids are under evaluation. The project will start hopefully by last week of October or early November as long as there is no failed bidding,” sabi ni DPWH Undersecretary Romeo Momo. “We will restore it to its original design capacity.”

Sinabi ni Momo na target ng DPWH na makumpleto sa Enero 2015 ang retrofitting ng MacArthur Bridge, na inaasahang wala nang pangambang madadaanan ng milyun-milyong deboto sa taunang prusisyon ng Black Nazarene. - Raymund F. Antonio