Oktubre 18, 2007 nang masabugan ng dalawang bomba ang convoy na sinasakyan ni dating Pakistani Prime Minister Benazir Bhutto sa Karachi, Pakistan, ilang oras makaraang dumating si Bhutto sa Muslim-majority country. Nasa 132 ang namatay, at daan-daang iba pa ang nasugatan sa pagsabog.
Gayunman, nakaligtas si Bhutto at hindi nasaktan ang kanyang mga kasamahan. Aabot sa 150,000 tagasuporta ang sumama sa parada.
Matagumpay na napasabog ng Taliban ang isang malaki at mas maliit na bomba sa kabila ng matinding seguridad.
Hindi makapaniwala si Bhutto na isang Muslim ang nagtangkang kumitil sa kanyang buhay, dahil ang suicide bombing ay taliwas sa aral ng Islam.
Pinaslang si Bhutto noong Disyembre 27, 2007.