blind-copy-copy (4)

MALAKAS pa rin ang bulungbulungan na papasok sa pulitika ang isang sikat na actor na kasalukuyang may hawak na posisyon sa gobyerno.

In fairness, may karapatan din naman ang actor na sincere ang tuluy-tuloy na pagtulong sa mahihirap nating mga kababayan.

Pero kapag tinatanong siya sa mga interview ay sinasabi niya na wala siyang interes na pumalaot sa pulitika.

National

OVP, nagpaliwanag hinggil sa 'casual meeting' nina VP Sara at Ex-VP Leni sa Naga

Sa totoo lang naman, malaki ang chance ng actor na manalo sa local o national position man dahil bukod sa may sariling hukbo ng mga tagahanga ay marami ang nagtitiwala sa kanya.

Isa sa kuno-kunong kumukumbinsi sa actor isang kilalang pulitiko na medyo questionable ang kasarian. Ayon sa source namin, sa pamamagitan ng mga kakilala at common friends ng pulitiko at ng aktor ay nililigawan nang husto ng una ang huli para tumakbo sa isang posisyon sa 2016 elections.

Nangako pa nga raw ang politician ng financial support kapag kumandidato ang actor.

“Sa totoo lang, hindi sila personal na magkakilala. Ang nakarating lang na balita sa amin, eh, may naramdamang kakaiba ang pulitiko na ‘yan kay ________ (actor),” sey ng source namin na malapit sa sikat na actor.