Vienna (AFP)– Labis ang determinasyon ni David Ferrer na makuwalipika para sa season ending na World Tour finals nang piliin niyang maglaro sa Vienna Open sa unang pagkakataon sa loob ng 10 taon.

Ang 32-anyos, top-seeded sa torneo, ay nagdesisyon na lumaro sa Vienna, gayundin ang British number one na si Andy Murray, sa kanilang target na makakalap ng sapat na bilang ng puntos upang makapasok sa top eight na magbibigay sa kanila ng puwesto sa finals sa London sa Nobyembre.

Sina Ferrer at Murray ay ninth at 10th, ayon sa pagkakasunod, sa karera para sa puwesto sa London, kung saan ay tatlong puwesto pa ang hindi napupunan.

Ang Canadian na si Milos Raonic, na kasalukuyang naglalaro sa Moscow ngayong linggo, ay nasa ikawalong puwesto sa kasalukuyan, at ang Spaniard ay 35 puntos ang layo sa Briton at 95 sa arrears.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Si Ferrer, makakalaban ang mananalo sa pagitan nina Simone Bolelli at Tobia Kamke makaraang makakuha ng first-round bye, ay nagsabi na lalaban siya hanggang

sa huli sa qualifying process upang maselyuhan ang kanyang puwesto.

“Of course it is my goal, I’m fighting for,” ani Ferrer, na naglaro sa Shanghai noong isang linggo at natalo kay Novak Djokovic sa quarterfinals.

“It’s important for me. We don’t have too many tournaments. We have only three tournaments more to be in London.”

Si Murray, seeded second, ay sasabak lamang sa aksiyon ngayong araw kontra sa Canadian na si Vasek Pospisil na tinalo ang German na si Daniel Brands, 6-3, 6-7 (3/7), 7-6 (7-2). Dumating sa Austrian capital na lulan ng isang private jet matapos matanggap ang kanyang wild card entry, muling maglalaro ito sa Valencia sa isa ring wild card entry sa darating na linggo at Paris Masters.

Sina Djokovic, Roger Federer, Rafael Nadal at Stan Wawrinka ay pawang nakuwalipika na para sa finals.

Ang isang puwesto ay mapupunta kay Marin Cilic bilang isang Grand Slam winner ngayong season.