Sa halip na birthday cake, libreng laboratory examinations at medical checkup tuwing birthday month ang ipagkakaloob ni Parañaque City Mayor Edwin L. Olivares bilang karagdagang benepisyo sa 25,000 senior citizens sa ilalim ng “OSCA Cares Program” simula sa 2015.

Inihayag ng local chief executive ang anunsiyo sa isang seremonya at pagkilala sa most outstanding senior citizens na ginanap sa SM Sucat Activity Center kamakailan.

Umaasa si Mayor Olivarez na dadagsain ng matatanda ang Office of Senior Citizen Affairs (OSCA) Cares Program at inaasahan na lalagpas pa sa 25,000 ang magpapatala sa naturang programa.
National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3