If a person is gay and seeks God and has goodwill, who am I to judge?” Sa mga salitang ito inihanda ni Pope francis noong nakaraang taon ang Extraordinary General Assembly of the Synod of Bishops on the family na nagpupulong ngayon sa Vatican.

Noong Lunes, sa isang paunang ulat, sinabi ng mga obispo na ang “Homosexuals have gifts and qualities to offer to the Christian community. Are we capable of welcoming these people, guaranteeing to them a fraternal space in our communities?”

Dagdag pa ng ulat na marami ang nakakikita ng “positibong aspeto” sa mga relasyon na opisyal na itinuturing na “iregular”. Kabilang dito ang same-sex partners, nagsasama nang hindi kasal, at magkaparehang kasal sa huwes kung saan divorced ang isa sa mga ito.

Walang gana ang mga paring Katoliko na palitan ang doktrina na ang homoseksuwalidad, o pagtatalik nang labas sa kasal, at diborsiyo ay pundamental na mali, ayon pa sa ulat, ngunit dinagdag pa nito na kailangang maghanap ng paraan ang Simbahan na punan ang mga puwang sa pagitan ng mga aral nito hinggil sa mga tanong na ito at ang realidad ng makabagong mundo.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Isang malaking isyu ngayon ang same-sex marriage sa Amerika. Ang mga diborsyadong magkapareho ang namumuhay na magkasama ay karaniwan na lamang. Sa ating bansa, hindi na mabilang ang common-law o yaong hindi kasal – na misre at misis. At yaong may kakayahang huwag pansinin ang maraming lantarang gay celebrity na tinatangkilik ng marami nating kababayan.

Ito ang realidad ng makabagong mundo na tinutukoy ng preliminary Synod report. Kailangang maintindihan ng Simbahan ang “positive reality of civil weddings” pati na rin ang namumuhay bilang mag-asawa na walang anumang dinaanang seremonya, ayon sa ulat, sa layuning himukin ang mga ito na sumailalim sa Church wedding kalaunan. Naging paksa sa Synod ang “law of gradualness” sa mas mahihirap na isyu tulad ng contraceptio, na humihimok sa mga mananampalataya “to take one step at a time in the search for holiness”.

“The drama continues” ani Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa assembly kung saan isa siya sa tatlong pangulo na itinalaga ni Pope francis upang gabayan ang Synod. Ihahanda ang final document para sa Synod na magtatapos sa Linggo. Susunod ang isang taon ng pagtitika at pagkatapos magpupulong ang Ordinary Assembly of the Synod of Bishops sa Oktubre 2015. Ang mga pagpapasya sa lahat ng kritikal na isyu na ito ay malamang gawin sa 2016.