Muling binuksan sa publiko ang bagong Quiapo underpass na kilala na ngayon sa tawag na Lacson Victory Underpass.

Ang underpass, na matatagpuan malapit sa Quiapo Church, ay muling binuksan sa publiko matapos sumailalim sa rehabilitasyon nang halos isang taon.

Fully air-conditioned ang underpass, may malilinis na palikuran at may glass door.

Marami ring tindahan na binuksan sa underpass na ngayon pa lamang ay dinarayo na ng mamimili.

National

Ikalawang impeachment complaint vs VP Sara, ieendorso ng Makabayan Bloc

May mga security guard din ang bawat isa sa limang lagusan nito na patungong Carriedo, Quiapo, Recto, Echague at Hidalgo.

Bago isinaayos, naglipana ang mandurukot at illegal vendor sa underpass na iniiwasang daanan ng mga nagtutungo sa Quiapo Church.

Ayon kay Manila Mayor Joseph Estrada, na nanguna sa inagurasyon ng underpass nitong Martes kasama si Vice Mayor Isko Moreno, malaki ang maitutulong ng pagsasapribado ng nasabing underpass para mapanatili ang kalinisan at kaayusan nito.