Kristine-Hermosa-copy

NAGSILANG ng baby boy si Kristine Hermosa noong Oktubre 11, Sabado.

Si Oyo Boy Sotto ang nag-post ng larawan ng bagong silang nilang anak sa Instagram na may caption na, “Thank you, Lord Jesus for this blessing!”

Pinangalanan nilang Baby Kaleb Hanns Sotto ang kanilang bunso.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Nag-post din si Oyo ng mga larawan ng kanilang anak na si Ondria Bliss at ng kanilang adopted son na si Kristian Daniel na kasamang bumisita sa ospital nang manganak si Kristine. Cute ang ipinost ni Oyo na kuha sa kanilang tatlong kids nang makauwi na sila sa kanilang bagong bahay.

Maraming netizens ang nagpaabot ng pagbati at kasiyahan sa pagsilang ng new bundle of joy ng mag-asawa: “Congrats SOTTO family!! Lil’ Kaleb is absolutely adorable!!,” @vaningning posted. “Congrats Oyo and Kristine for such a cute baby boy,” @96bluesapphire posted. “sooo cute.. congrats oyo and kristine :),” @bhitelz said.

Ikinasal sina Kristine at Oyo Boy Sotto noong January 12, 2011. Iniwanan ni Kristine ang showbiz upang maging full-time wife and mother.

“I’m actually enjoying my life right now. I’m happy with my kids,” aniya nang mainterbyu ng Push.com.ph.

Pero hindi aniya siya nagsasara ng posibilidad balikan niya ang pagharap sa kamera someday.

“Like I said before, wala namang problem if may magandang offer but of course hindi ko p’wedeng i-sacrifice ang time ko with family, di ba, kasi masaya ako dito, eh. So as long as okay ‘yung schedule okay ‘yung story, lahat okay, no problem,” aniya pa.