BAGUIO CITY – Hindi nakapalag ang isang drug personality at tatlo niyang kasama na hinihinalang nag-pot session nang salakayin ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Cordillera ang kanilang bahay sa BGH Compound sa Baguio City.

Sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Reynaldo A. Alhambra, ng Branch 53, Regional Trial Court, Manila, Oktubre 13 nang salakayin ng mga anti-narcotics agent ang bahay ni Aaron Paul de Guzman Vergara, alyas Nicko, 23, nasa drug watch list, matapos mahulihan ng mga marijuana at baril.

Nabatid kay PDEA-Cordillera Director Ronald Allan Ricardo na nadatnan ng mga operatiba sa bahay ni Vergara at inaresto na rin sina Barbara Jean Portajada Del Rosario, 23; Mc-Dempsey Cordova Hall, 27, tubong Tarlac; at Dlanor John Aquino Villanueva, 23, ng Sto. Tomas, Baguio City.

Nakuha kay Vergara ang mga dahon ng marijuana, drug paraphernalia at isang .38 caliber revolver na may 13 bala. - Rizaldy Comanda

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon