Penelope-Cruz.

SI Penelope Cruz ang “sexiest woman alive” ng Esquire magazine, ang ika-11 babaeng binigyan ng magazine ng nasabing titulo.

Kabilang sa mga nauna nang ginawaran ng titulo sina Angelina Jolie, Halle Berry, Rihanna, Charlize Theron at Scarlett Johansson.

Sinabi ng bida ng Vicky Cristina Barcelona at Vanilla Sky sa Esquire na nagkaroon siya ng “attraction to drama” noong dalagita pa siya hanggang sa edad 20s, pero “could not be less interested now”.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Gayunman, tahimik si Penelope, 40, tungkol sa kanyang personal na buhay. Tumanggi siyang magkomento tungkol sa kanyang asawang aktor na si Javier Bardem, gayundin tungkol sa dalawa nilang anak. “That is for us,” aniya.

Muli siyang mapapanood sa Spanish-language film na Ma Ma at sa Grimsby, katambal si Sacha Baron Cohen. - Press Association