Walang kapangyarihan ang Senate Blue Ribbon sub-committee na ipaaresto si Makati City JunJun Binay sa patuloy na pagtanggi ng alkalde na humarap sa imbestigasyon sa umano’y overpriced na Makati City Hall Building II.

Ito ang inihayag ni United Nationalist Alliance (UNA) interim secretary general Atty. JV Bautista, sinabing walang kapangyarihan ang nasabing komite na maglabas ng order of arrest dahil wala, aniya, itong power na mag-cite in contempt sa sinumang lalabag sa subpoena.

Paliwanag ni Bautista, ang buong Blue Ribbon Committee lang ang may kapangyarihang mag-cite in contempt.

Magugunitang dalawang beses ibinasura ng sub-committee ang jurisdictional challenge na inihain ni Binay upang ipatigil ang naturang pagdinig sa Senado.
National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists