NGAYON ang Araw ng Kalayaan ng Equatorial Guinea, isang paggunita sa pagsasarili nito mula sa Spain noong 1968.

Matatagpuan sa Central Africa, ang hangganan ng Equatorial Guinea sa norte ay tinatapos ng Cameroon, Gabon sa timog at silangan, at Gulf of Guinea sa kanluran. Ang Malabo ang pinakamalaking siyudad nito at nagsisilbing kabisera ng bansa. Ang pangalan ng bansa ay hinalaw sa lokasyon nito malapit sa equator at sa Gulf of Guinea.

Ang Equatorial Guinea ang ikatlong pinakamaliit na bansa sa continental Africa. Ang populasyon ng bansa ay nasa 676,000, at Spanish, French at Portuguese ang mga opisyal na wika. Kristiyanismo naman ang pinakakaraniwan nitong relihiyon, dahil aabot sa 93 porsiyento ng populasyon nito ay Kristiyano.

Tatlong pangunahing industriya ang nag-aambag sa ekonomiya ng Equatorial Guinea: ang panggugubat, pangingisda at pagsasaka. Noong 1996, nadiskubre ng bansa ang mahalagang reserba ng langis na malaki ang naiambag sa kita ng gobyerno. Dahil sa tuklas na ito, ang bansa ang naging ikatlong pinakamalaking producer ng langis sa sub-Saharan Africa noong 2004.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Binabati namin ang mga mamamayan at ang gobyerno ng Equatorial Guinea, sa pangunguna nina President Teodoro Obiang Nguema Mbasogo, at Prime Minister Vicente Ehate Tomi, sa kanilang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan