Hawak na ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang kilabot na miyembro ng Akyat- Bahay Gang na umano’y nagnakaw sa bahay ng ina ng aktres na si Cherry Pie Pichache sa Quezon City bago ito pinatay.

Kinilala ni QCPD Director Chief Supt . Richard Albano ang suspek na si Michael Flores, dating house boy ng biktima.

Si Flores ay naaresto noong Martes ng gabi ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) sa tulong ng CCTV footage.

Aniya, nakita sa CCTV footage habang suot na T-shirt at shorts ni Flores, nang pagnakawan at patayin ang 77-anyos na si Zenaida Sison, na naging ebidensiya ng pulis sa pagtukoy sa pagkakakilanlan ng suspek.

National

Maza kay VP Sara: 'Hindi ikaw ang bida dito kundi ang taumbayang kinauutangan mo!'

Sa imbestigasyon, limang testigo ang nagdiin kay Flores at sinabing ito ay madalas na ipinaglilinis sa bahay ng nanay ni Cherry Pie.

Ayon kay Supt. Rodel Marcelo, hepe ng CIDU, halos dalawang linggo nilang sinubaybayan si Flores sa Laguna at kamakalawa ng gabi , dahil sa tulong ng mga residente ay nasukol ang pinagtataguan ng suspek ng mga operatiba ng QCPD.