NANGYAYARI ito kahit kanino sa kahit na anong oras at araw. Tuluy-tuloy ang iyong pagtatrabaho o pag-aaral, bumubuhos ang iyong pagkamalikhain at parang walang puwersa sa daigdig na makapipigil sa iyong performance. at pagkatapos, bigla lang, ni walang babala, naubusan ka na ng magagandang ideya. Nahinto ka. Halos pukpukin mo na ang iyong ulo sa paghahanap ng inspirasyon ngunit walang dumarating. Binabalikan mo ang mga natapos mong gawa, pati na ang mga dati mong mga ideya, hinahanap kung saan mo natagpuan ang mga iyon - ang maliliit na bagay na nagpaningas ng iyong pag-iisip na nag-udyok ng malaki at malakas na pagsabog ng iyong pagkamalikhain. Ngunit wala pa ring nangyari. Nahadlangan ka, hindi ka makakilos.

Ano man ang iyong trabaho o negosyo o estudyante ka man, laging kailangan ang pagkamalikhain. Marahil ito ay kung paano maipiprisinta ang iyong mga produkto o serbisyo sa iyong potensiyal na mga kliyente o mismong mga produkto at serbisyo ang dapat mong pag-ibayuhin. Maaari namang isang school project o presentation. anuman ang iyong ginagawa, mangangailangan ka ng tulong upang maalis ang hadlang sa iyong pagkakaroon ng magagandang ideya.

  • Kailangang malaman mo na hindi ka naman talaga kinakapos ng magagandang ideya. - Minsan, kapag wala ka nang maisip, nag-aalala ka na forever ka nang nakahinto. Kailangan mong malaman na ang utak mo ay walang hanggang source ng mga ideya. Palagian ang pagdadagdag mo ng mga bagong impormasyon sa iyong utak at pinagagana mo iyon. Kung tutuusin, hindi mo maiiwasan iyon. Kaya huminga nang malalim, relax ka lang, at tanggapin na ang kakapusan mo ng ideya ay pansamantala lamang.
  • National

    50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

  • Bawasan ang iyong stress. - Minsan, ang stress ang humahadlang sa iyong pagkamalikhain. Kailangan mo ng panahon upang mag-relax at bawasan ang iyong stress. Magpahinga ka, matulog, kumain, mag-exercise at kung may sport ka panahon naauoang talunin ang iyong mga kalaban. Minsan, ang kailangan mo lang ay kaunting stress relief bago mo maipagpatuloy ang pagdaloy ng iyong creative juices.

Sundan bukas.